<body>


Random Trivia about Para sa Broken Hearted

marcelosantosiii:

1. Sa PSBH, may isang character na pinattern ko sa sarili ko noong college, yun ay si Alex.

2. Si Miguel, ang boyfriend ni Kath ay kinuha ko sa pangalan ni Migz Haleco.

3. Habang sinusulat ko ang istorya ni Kath, pinapakinggan ko yung “Someone like you” ni Adelle.

4. Habang sinusulat ko yung…

+

«


So, we meet again, Tumblr. ;)

+

«



«


"Taho" Pampa-Good Vibes! :D Good morning!

«


Hindi siya yung &#8216;the best&#8217; na kaibigan para sa&#8217;kin, at alam kong hindi rin ako yung &#8216;the best&#8217; para sa kanya. Wala namang perpektong pagkakaibigan di&#8217;ba? Nandiyan yung times na may tampuhan, ilangan at barahan. Pero siya yung babaeng halos nandiyan kapag kailangan mo. O minsan nga, kahit hindi mo siya kailangan nandiyan na eh (may pagkain siguro ako nun XD). SHIELD ko kapag may lumilipad na bola ng volleyball sa Sintang Paaralan (pero asahan mo na yung tili niyang nakakabingi). Tagakain ng pagkain ko kapag bibili ako ng SARILI kong pagkain. Tagaturo kung nasan yung SILAY (crush) ko. Sandalan ng ulo ko kapag INAANTOK ako. Tagapunas ng uhog at LUHA ko kapag nag-eemote ako. MESSENGER ko kapag late na &#8216;ko. Tagatahi ng uniporme ko kapag hindi inaasahang nagkaPUNIT ito. Hmmmm. Marami pa pala. Baka &#8216;di matapos &#8216;to kapag inisa isa ko pa.I love you Ne Alaiza!  Wag ka iiyak ah? Susulat naman ako eh. Hahahaha K.

«


Living independently. HAHAHAHA -.- #Weekend #Brunch

«


This guy inspires me, a lot.
MAHABANG ENTRY. GOODLUCK!

Good evening!

Nilalangaw na ba yung blog ko? :D Sorry naman. Naghahanap ka na ba ng next entry ko na mababasa mo pero bigo ka pa rin hanggang ngayon? :D Sorry naman ulit. HAHAHAHA biro lang. Pero ito na, naisipan ko na namang magsulat ng entry para sa mga sawing maghanap ng entry ko, tulad mo. :D (Ang hyper ko yata? Ito yung dulot nung free taste ng Good Day Coffee kanina sa lobby ng university namin eh. Sa sobrang uhaw ko, naka-tatlong cups ako. Whutda.) De joke lang yung sa part niyo. ‘Feelers’ lang. Oo, with ‘S’. Mas cute pakinggan pag may ‘S’ kahit shunga shungahan lang eh. HAHAHAHA! (Ano ba yung kapeng yun? Di na ‘ko uulit tumungga ng tatlong basong kape. Promise.)

Paggising ko kaninang umaga, naisip ko, “Thursday na naman pala.” Ano nga bang dulot ng araw na ‘to para sa’kin? Dati, wala naman. Pero ngayong semester, iba na. Thursday kasi. Ibig sabihin, may report na naman kami. (Secret nalang kung sino yung professor at anong subject.) Hindi ko ba alam. Maraming beses na kong nautusan na mag-announce, magbigay ng speech o birthday message sa birthday parties, at magsalita sa harap ng karamihan. Pero kapag ako na yung susunod na pupunta sa harapan ng maraming tao, feeling ko kakainin ako bigla ng lupa. Alam kong normal lang yun sa mga mag-aaral na tulad ko, parte yun eh. Pero ayokong habang nabubuhay ako eh maranasan ko yung tinatawag nilang ‘stage fright’. Hindi kasi habang buhay eh estudyante ako. Darating yung panahon na makakapagtapos ka ng pag-aaral, magkakaroon ng disenteng trabaho, at kailangan mong humarap sa madla, dahil kailangan sa trabaho mo.

Habang sinusulat ko ‘to, naghanap ako ng iba sa mga tips kung pano mao-overcome yung ‘stage fright’. Alam kong kailangan rin ‘to ng iba. (Para ‘to sa mga maninipis ang mukha, tulad ko. :D) At ito ang ilan sa mga lumabas na resulta:

1.       Relax your body. To overcome stage fright, there are a few things you can do to relax your body before going on the stage. Easing the tension from your body can help steady your voice and relax your mind. Here are a few things you can do to relax your body before your performance.

2.       Avoid caffeine. Unless you’re normally a caffeine addict, don’t have extra caffeine on the day of the performance. You may think that it will make you perform with more energy, but it will actually make you feel more nervous and jittery.

(Nako! Ang dami ko pa namang nainom na kape kanina. Mabuti na lang pala.)

3.       Set a “stop time” for your anxiety. On the day of your performance, tell yourself that you can allow yourself to be nervous for a certain amount of time, but that after a certain hour — say, 3 PM — all anxiety will go out the door. Just setting this goal and making this promise to yourself will make it much more likely to happen.

4.       Laugh as much as you can. Watch a comedy in the morning, put on your favorite YouTube video, or just spend the afternoon hanging around the funniest person in your company. Laughing will relax you and take your mind off your nervousness.

(Hindi kaya mabaon ko yung pagtawa ko hanggang sa nasa harapan na nila ko? Baka magmukha akong si Sisa.)

(Source: http://www.wikihow.com/Overcome-Stage-Fright)

Kung tutuusin, marami pang pupuwedeng maisama sa listahan. Pero dahil sa entry ko ‘to at hindi overcoming-stage fright website, tama na siguro yun. XD Pero ang pinaka-the best na maipapayo ko eh itong mga ‘to:

1.       Pray. Wala pa ring tatalo diyan. Humingi ka ng konting tulong at lakas galing sa Kanya bago ka mag-present. Hindi ka naman Niya pababayaan eh.

2.       Be prepared. Isipin mo na lang na kailangan mong bigyan ng maayos at tamang impormasyon yung mga manonood/makikinig sa’yo sa araw na yun. Wag maging sobrang kampante sa ilang impormasyong nakuha mo.

3.       Be confident. Isipin mong wala namang ikakaganda sa presentation mo yung pagiging kabado. Tandaan mong mga tao din yung makikinig sa’yo at hindi mga dragon para bugahan ka ng apoy kung magkamali ka man. Isipin mo na lang din na mas makakapag-isip ka ng maayos kapag hindi ka kinakabahan.

4.       Isipin mong maganda/gwapo ka. Sa lahat ng oras ‘to. HAHAHAHA. Pero pwede namang makatulong yun di’ba? Dagdag confidence din yun. :P

Sa ngayon, ayan na lang muna. Hindi ko pa rin alam yung magiging kapalaran ko next week sa continuation ng report namin eh. (Lakas ba ng loob magbigay ng tips tapos hindi naman nagagawa? HAHAHAHA pagbigyan niyo na ko magma-talino kahit sa blog ko lang. Puhlease? XD)

Eight entry ko na pala. Yehey! Sabog confetti! Good night! Don’t let the bugs bite!

-   Jaia

10:55 PM | July 18, 2013

-         

+

«


Ang sakit ng buong katawan ko. Kaninang paggising ko, ‘di ko magalaw yung mga paa’t binti ko, isa pa yung kanang braso ko. Akala ko stroke na. Badminton pa </3 Yung walang stretching!

+

«



«


:)
BANDA RITO, BANDA ROON.

Boom! Good evening. Dapat kanina­ ko pa ‘to natapos, nai-type, at nai-post. Kaso habang nasa kalagitnaan ako nito, bigla akong nahilo kaya kinailangang magpahinga. Dahil siguro sa nababad kami sa initan kanina tapos biglang umulan; naambunan ako. Kinailangan kasing maghanap na ng maisusuot para sa Org. Night namin sa Friday.

‘Di bale, ito na. Itutuloy ko na yung naudlot kong kwento. (Pramis. Tatapusin ko na lang ‘to tapos matutulog na ko kahit may mga gusto pa kong gawin. Nahihilo pa rin ako eh. Pero kaya pa! Bahala ka na uli, Batman!)

Orayt! One week akong nawala. Meaning? Wala akong entry sa loob ng isang linggo. Di ko alam kung busy ba ko o tamad lang talaga?

Ge, bye. XD

Siyempre joke lang. (Pero gusto kong dun na sana talaga tapusin. XD)

Busy lang talaga siguro. Kasi kapag may vacant kami, sa band rehearsal studio yung diretso ko. Siyempre kasama ko yung pinagmamalaki kong tropa at banda, ang Form 137. Ike-kwento ko na naman ba kung bakit ganun yung pangalan ng banda namin? :)) Karamihan kasi ng nakakarinig sa pangalan ng banda eh “Bakit Form 137?” yung sunod na sasabihin at itatanong. Uhm, ganito na lang, i-like niyo na lang yung Funpage namin sa Facebook: https://www.facebook.com/Form137Band. Instant plug ;) Ahaha. Para updated ka na rin sa buhay banda ko. Apir! ;)

Gaya nga ng sabi ko, mula nung naimbitahan kaming tumugtog para sa Org. Night namin, hindi na nawala yung oras para mag-practice kami. Mas okay nga ngayon eh. Mas enjoy na namin. Hindi tulad nung mga oras na nag-uumpisa pa lang kami, tapos Battle of the Bands na kagad yung sasalangan. :))

Masarap magbanda. Hindi nga lang sa bulsa. Kasi kailangan niyong magbayad para sa renta ng studio, kung may bayad man yung sasalihan niyong Battle, at yung pangmeryenda niyo pagkatapos mag-practice. Pero okay lang, kasi masaya namanat enjoy. Hindi rin naman kasi maganda yung puro aral ka lang sa tanang buhay mo. Sa iisang bagay ka lang nagfo-focus. Sabi nga nila, dapat balance lang. Nakakatuwa nga eh. Hindi ko rin akalain na magkakaroon ako ng sarili kong banda ngayong college. Hindi naman kasi ‘to kasama sa mga pangarap ko. Pero ayun nga, may plano Siya na Siya lang ang nakakaalam.

Tapusin ko na ha? Next week naman. XD Seventh entry ko na pala. Good night. :-*

- Jaia
8:53 PM | July 7, 2013

+

«


MINSAN TINATAMAD AKO.

+

«



«


+

Ang cute nung minions sa FB chat. :D

+

«


"LORD, PATAWAD."

Magandang umaga!

Bago ba kayo magsi-ONline eh nakapagpasalamat na kayo sa Kanya? Ang sarap lang gumising kapag alam mong may mga bagay kang gagawin na para sa iba, diba? Hindi yung sarili mo lang yung paglilingkuran mo. Ang sarap maglingkod sa iba, totoo ‘yun. Lalo na sa Kanya, kay God. Aaminin ko, hindi ako yung tipo ng tao na sobrang maka-Diyos, pero hindi ko naman nalilimutan yung mga bagay na ginagawa Niya para sa’kin, para maibalik ko yung pagmamahal Niya. Hindi ko rin nalilimutan na mahal Niya ko bilang Anak Niya.

Kagabi, pinarinig sa’kin ng Kuya ko yung bagong kanta ni Basilyo na Lord Patawad. (Pakinggan mo muna dito kung ‘di mo pa napapakinggan bago mo basahin ‘tong entry ko: http://www.youtube.com/watch?v=YvVkKmvuUQ8) Maganda yung kanta. Punong puno ng magandang mensahe. Kung isa kang tao, maiintindihan mo ‘to.

“Kinakausap lang Kita kapag ako’y nangangailangan. Baka may kakilala Ka na pwede kong utangan? Kasi alam Mo na sa tong-its talo ako. Pwede bang bigyan ako kahit anim na numero?” Unang stanza pa lang, makaka-relate na ang karamihan. H’wag na nating itago. Ganyan naman ang karamihan sa’tin, diba? Naaalala lang Siya kapag may kailangan, o malungkot. Pero kapag puno ng biyaya at masaya, nakakalimutan na naman Siya. Sobra sobra pa nga kalimitan ang hinihingi sa Kanya.

“Kinakausap lang Kita kapag ako’y nangangailangan. Sana’y may artista na maka-date man lamang. Okay lang sa akin kahit na si Joyce Jimenez. Sana ako’y pumogi, pumuti at maging flawless.” Karamihan din sa’tin, hindi kuntento sa kung anong meron tayo; kung ano yung binigay Niya. Lalo na sa pisikal na aspeto tulad nung nasa nabanggit na stanza. Naalala ko naman yung sinabi ng isang Prof. namin ngayong Second year, bakit ba daw tayo madaling ma-insecure? Eh lahat naman tayo unique. Maaaring meron siya na wala ka; pero may mga bagay kang meron, na siya naman ang wala. Patas lang. Pantay pantay lang tayo. Matuto kang pahalagahan yung mga bagay na ikaw lang ang meron.

“Kinakausap lang Kita kapag nangangailangan. Noong ako’y binasted ng aking nililigawan. Problemado po ako at wala ‘kong pang-inom. Ang hina ko Sa’yo, yun ang hinala ko noon.” Yan ang isa pa nating pagkakamali. Hindi lang tayo kuntento, akala na natin eh hindi na Niya tayo mahal. Kahit kelan eh hindi Niya tayo iniwan, at hinding hindi Niya rin tayo iiwan.

“Kinakausap lang Kita kapag ako’y nangangailangan. Ang aking iniisip ay puro pang-sarili lamang. Kapag may mabigat na problema at seryoso, doon ko lamang naaalala ang pangalan Mo.” Kung babasahin mo lahat ng naunang stanzas, summary yan.

Sana man lang, kahit minsan lang (kung taeng tae ka na talaga sa ibang gusto mong unahin), maisip natin Siya. Yung paghihirap na naranasan ni Kristo para lang mailigtas tayo sa mga pagkakasala natin. Ikamamatay mo ba yung paglilingkod sa Kanya? Hindi naman. Mas gagaan pa nga yung loob mo eh, kasi alam mo kahit sa sarili mo lang na nakakabawi ka sa Kanya. Mahirap ba ‘yun? Kung mahal Mo siya, madali lang ‘yun.

Kahit kelan, hindi naging huli ang lahat para sa pagbabago.

Blessed Sunday, everyone! Itong sixth entry ko eh para naman sa Kanya. Masaya ‘kong may isa na ‘kong entry na nai-dedicate sa Kanya. :)

- Jaia

11:27 AM | June 30, 2013

+

«


When your parents used to hold their hand in front of your face to keep you from seeing inappropriate things

sodamnrelatable:

image

 

 

 

(via sodamnrelatable)

+

«


theme by misplacedname

E-diary ko.
»
Jasmine Jaia | 17 | Manila | Polytechnic University of the Philippines - Taguig |
I write to express, not to impress.
I do not claim ownership to any of the photos posted in this page unless stated otherwise. Everything in here belongs to their rightful owners.

© misplacedthemes